Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes na wala silang naitalang pagtaas ng mga kaso ngCovid-19casessa hanay ng pediatric population simula noong Agosto 22, kung kailan nagsimula na ang unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Undersecretary Beverly So na nananatiling suportado ng DOH ang in-person classes, sa kabila ng katiyakan na magkakaroon ng mga kaso ngCovid-19dahil sa paglabas na ng mga mamamayan sa kani-kanilang mga tahanan.

“Categorically speaking, when we are looking at the trends for pediatric population since Aug. 22, we didn't really see an uptick,” ayon kay Ho.

“But what is important for all of us is to recognize 2 things: one is klaro sa amin that the face-to-face learning is superior, not just for education but for the health, holistic development ng mga bata. So we're very supportive of that,” aniya pa.“Second is we need to recognize that as we go out of our houses, magkaka-uptick tayo. It's just a matter of time. But we want to reassure everyone, that's why we have technologies like vaccines.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kasabay nito, idinagdag rin naman ni Ho na ang admission rates sa mga pagamutan ay hindi rin naman nadaragdagan.

Sinabi ni Ho na habang nagpu-full blast ang face-to-face ay tiyak na tataas ang mga kaso ng sakit.

Ang ayaw lang aniya nilang mangyari ay tumaas ang mga kaso at tumaas ang admission rate sa mga pagamutan.

“Pero kung tumaas iyong kaso at hindi tumaas iyong admission, we've done our job. We've protected ourselves enough from vaccines,” aniya pa.

Patuloy pa rin namang nagdaraos ang DOH at ang Department of Education (DepEd) ngCovid-19vaccination campaigns at counseling sa mga paaralan upang mahikayat ang mas maraming mga mag-aaral, magulang at mga guro upang magpaturok na ng bakuna.

Ani Ho, plano ng DOH na magsagawa ng supplemental immunization campaign sa unang bahagi ng taong 2023 upang matugunan ang mababang routine immunization rates at maiwasan ang posibleng measles outbreak.