Sa pagdiriwang ng Mental Health Day, muling nagpaalala si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na mas piliing maging mabuti hindi lang sa kapwa, kundi lalo na sa sarili.

“Today is #mentalhealthday and here’s a reminder to always be kind. Not just to others, but most importantly, to yourself. I know that a lot of us face different types of stress and hardships, but always remember to love yourself and forgive yourself for your own shortcomings. You are not perfect. But you could always learn and grow,” ani Celeste sa isang Instagram post, Martes, Oktubre 11.

“You are not perfect. But you could always learn and grow,” dagdag niya.

Si Celeste, na biktima rin ng malalang online bashing, ay isa sa mga marubdubing mental health advocates sa local pageantry.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Nauna nang ipinanawagan ng titleholder sa fans na pahalagahan ang mental na kalusugan at iwasan nang patulan ang online hate kasunod ng natamong matinding pambabash sa ilang online pageant community noong Agosto.

Basahin: Celeste Cortesi, may panawagan sa fans sa gitna ng tinatamong online bashing – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Let us all learn to normalize conversations about mental health and never stigmatize people suffering from mental health issues.

“Every day, let’s all take the time to check on our friends and family. You don’t know the positive impact you can bring by just having a listening ear, ❤️” patuloy na paghihikayat ng beauty queen.

Sa huli, pinaalalahanan din ng titleholder ang kaniyang followers na parating ngumiti.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng Mind Nation, isang mental health organization, sa kontribusyon ni Celeste para sa kanilang adbokasiya.

“Thank you for being one of our best advocates on the mission for better mental health care, Queen! ❤️” anang organisyon sa beauty queen.