All-set na ang ten-track “Lovescene” album ni James Reid na nakatakdang mapakinggan ng fans sa darating na Huwebes, Oktubre 13.

Una nang napakinggan ng fans ang trending “u & i” track ni James at tila patikim pa lang ito ng music producer sa kaniyang upcoming brand new album.

Noong Sabado, Oktubre 8, inilabas na ng Careless PH, ang self-established record label ni James, ang siyam pang kantang mapakikinggan ng fans sa “Lovescene.”

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Kabilang dito ang “Cali Lovin,” “Fallin,” “Chasin,” “Always Been You,” Stay,” “Spotlight,” at “Bring Me Back.”

Tampok si Destiny Rogers sa kantang “Lie To Me,” at ang “The Rose” vocalist na si Woosung sa kantang “Hold On Tight.”

Basahin: ‘HEAL’ album ng Korean pop-rock band ‘The Rose,’ inilabas na; James Reid, tampok sa isang kanta – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang napakinggan si James sa kantang “Yes” sa “HEAL” comeback album ng The Rose kamakailan.

Ilang fans ang ngayon pa lang ay inaabangan na ang music comeback ni James.

Matatandaang isinantabi muna ng singer ngayong taon ang kaniyang acting career para sa music.

“We’re very in sync with what we’re trying to achieve. I can take this globally,” kumpiyansang saad noon ni James.

Basahin: Upcoming album ni James Reid, tampok ang ilang Kpop artists: ‘I can take this globally’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, nagbigay ng reaksyon ang Korean star na si Jay Park sa aabangan ng fans sa “lovescene.”

“Heard some of the songs. Shit si fye!!” komento ng hiphop star.

Taong 2017 pa nang huling maglabas ng full-length album si James sa proyektong “Palm Dreams.”