Pinusan at sinang-ayunan ng followers ni Kapuso actress Kylie Padilla ang ilang “words of wisdom” ukol sa paniniwala sa sarili, at mga prinsipyo sa buhay.

Sa isang Instagram post nitong Linggo, Oktubre 9, ang matalinhagang saad ni Kylie sa kaniyang followers: “What we believe is what we will experience—“.

“If we believe there is no magic in life, then we’ll never experience it. If we believe the miraculous is not real, then we’ll never accept it when we see it. If we believe that we’re limited in what we can do, accomplish, and become, then we’ll always live within the confines of our imagination,” paliwanag at paghahalimbawa ng aktres.

Aniya pa, “the opposite is also true.”

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

Pagtatapos ng Kapuso star, may malaking gampanin aniya ang kaniya-kaniyang paniniwala sa bawat istorya ng tao.

Ilang followers ni Kylie ang naantig at sumang-ayon sa post nito.

“Thank you for this beautiful reminder,” komento ng isang follower.

“Yes let's all believe in magic! 😍😍”

“Absolutely true 🙌.”

“Beautiful reminder 💫.”

Pinusuan na ng mahigit 4,900 netizens ang naturang post ng aktres sa pag-uulat.