Nasa Pilipinas man o wala, in fairness ay patuloy na pinag-uusapan si James Reid, huh!
Kamakailan nga ay muling pinag-usapan ng mga netizen ang isang viral photo ni James kasama ang kaniyang kaibigan at Chief Executive Officer o CEO ng Careless Music na si Jeffrey Oh. Nagbakasyon kasi ang team sa isla ng Boracay kasama ang aktres na si Liza Soberano, na nasa pangangalaga na rin ng naturang music label ni James.
Marami ang naloka sa topless photo ni James kung saan naispatang nilalapirot niya ang utong ni James!
Lalo tuloy nalalagay ngayon sa apoy ang pagkuwestyon sa gender identity ng aktor, lalo't hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng ganitong gestures sa kapwa lalaki.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.
"Una ko pa lang kita sa litrato nila kapansin-pansin yong hinahawakan ni James yong utong ni Jeffrey no pansin naman nya ay naku, maraming pwedeng gawin ang isang lalake para pagtakpan ang tunay na pagkatao."
"Gulong-gulo na naman ang mga marites hahaha."
"James ano na ba talaga?? Umamin ka na!"
Sa kabilang banda, may mga nagtanggol naman kay James dahil ito raw ay normal lamang sa ibang magkakaibang straight guys, lalo na sa ibang bansa.
Samantala, isa pang pinag-usapan tungkol kay James ay ang maalab niyang music video kasama si Victoria's Secret model Kelsey Merritt.