Solong naiuwi ng mananaya na taga-Davao del Sur ang tumataginting na₱38.2 milyong jackpot ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Sinabi ng PCSO, nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 39-42-23-33-32-12 ng Lotto 6/42 kaya’t napanalunan niya ang katumbas nitong jackpot₱38,200,752.40.

Nabili ng nabanggit na mananaya ang ticket sa Davao City sa Davao del Sur.

Upang makubra naman ang premyo, pinayuhan ng PCSO ang nanalo na magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kinakailangan din nitong iharap ang kanyang lucky ticket, gayundin ang dalawang balidong identification cards.

Paalala naman ng PCSO, “prizes above₱10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law.”

Nitong nakaraang linggo, umani ng iba't ibang reaksyon ang pagkakapanalo ng 433 na mananaya sa₱236 milyong jackpot ng 6/55 Grand Lotto nitong nakaraang linggo.

Anila, imposibleng mangyari ito dahil mahirap manalo sa nasabing laro na agad na dinipensahan ng PCSO at sinabing "wala umanong daya sa kanilang lotto draw."