Kinilala bilang Good Design Awardee ang viral “Tumindig” artwork ng Pinoy dibuhista na si Kevin Raymundo, o mas kilala bilang si “Tarantadong Kalbo.”

Sa mahigit 5,715 na entries sa loob at labas ng Japan para sa 2022 edition ng nasabing parangal, isa ang “Tumindig” sa mga napiling disenyo at kalauna’y kinilala ng Japan Institute Design Promotion, ang tumatayong pamunuan ng Good Design Award.

Ang Good Design Award ay unang itinatag noong 1957 at nagsilbing sistema ng pagkilala sa mga komprehensibong disenyo sa loob at labas ng Japan.

Matatandaan na nag-viral ang artwork ni Kevin noong Hulyo 2021, mahigit dalawang buwan bago ang paghahain ng mga kandidato ng certificate of candidacy (COCs) para sa May 2022 elections sa Pilipinas.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Umagaw ito ng pansin sa social media at kalauna'y nagluwal pa ng mas malawak na panawagan at pagtindig laban sa anang mga inhustisya sa bansa.

Sa isang panayam ni Kevin kamakailan, isa sa mga naging inspirasyon ng “Tumindig” ang matinding pagtuligsa sa kontrobersyal na Terror Law sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil sa iniwang marka ng nasabing artwork, kinilala ng pamunuan ng Good Design Award ang naging makabuluhang ambag nito para buksan ang pakikialam ng marami sa noo’y nalalapit na pambansang halalan.

“It’s artwork created to encourage voters to register to vote in national elections. Creators called for participation by creating derivative works from this artwork. The proceeds from merchandise sales were used for various support activities such as donating to the artists' labor union. In the face of the severe pandemic, it has become a means for people to connect with each other through SNS and other media,” paglalarawan ng Japan Institute Design Promotion.

Sa pag-uulat nasa 56,000 likes at 11,600 retweets na ang “Tumindig” sa Twitter na muling binuhay ng netizens kasunod ng pagkilala kamakailan.

https://twitter.com/KevinKalbo/status/1416230698667548675?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1416230698667548675%7Ctwgr%5E6b67c9acdfdbe4e296c314daecc5bf92a2ce6630%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fphilstarlife.com%2Fgeeky%2F560359-tarantadong-kalbo-good-design-award-tumindig%3Futm_source%3DPhilSTARLifeutm_medium%3DFacebookutm_campaign%3Dtrendingfbclid%3DIwAR1pQpORv9g469o3FZLCBxXXzZ_to-ePGnq19q38ipBrN299qj7TWn6S_vQ