Tinuligsa ni Senador Risa Hontiveros ang insidente ng hostage-taking kay ex-senator Leila de Lima sa loob ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center nitong Linggo.
Sa isang pahayag, tinawag ng senador na “unjust, barbaric and despicable” ang insidente.
“We demand an explanation and a thorough investigation of this violent incident from the PNP and the Department of Justice. We need answers,” anang mambabatas.
Dakong 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing detention facility kung saan nakakulong ang dating senador.
“How can armed detainees easily gain access to the custodial cell of Sen. Leila, which is deep inside the PNP national headquarters? What lapses in security must be addressed, and most of all, who is responsible for these lapses?” agad na mga katanungan ni Hontiveros sa malinaw umanong “breach of duty.”
Sunod na nanawagan ang mambabatas sa PNP na palakasin ang seguridad sa pasilidad ni De Lima upang tiyaking hindi na muling maulit pa ang aniya’s karahasan laban sa dating senador.
“The violence against former Senator De Lima is only the latest act of injustice against her. Hindi sana nangyari ito kung sa simula pa lang, hindi na kinulong si Senator Leila dahil lang sa mga walang basehan na kaso. This is political persecution at its worst,” ani Hontiveros.
Sa huli, muling iginiit ng senador ang paglaya ni De Lima gayundin ang tuluyang pagbasura sa umanong mga gawa-gawang kaso laban sa personalidad.
Samantala, personal na sumadya rin si Hontiveros kay De Lima nitong Linggo, Oktubre 9, kasunod ng hostage taking.