Kumpirmado na ang guest appearance ni dating senador at eight-division world boxing champion Manny Pacquiao sa sikat na programang “Running Man” sa South Korea.

Sa ulat ng Korean news site News 1 noong Oktubre 6, ang Pinoy boxing champ ang latest international cast ng kilalang SBS entertainment program.

Una nang naiulat ang guesting ni Pacquiao noong Marso ngayong taon.

Sa darating na Oktubre 11 nakatakdang i-shoot ang guesting ng boxing star at mapapanuod ng Korean audience sa Oktubre 23.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nauna na ring napanuod sa sikat na programa ang ilang malalaking Hollywood stars kagaya nina Ryan Reynolds at Tom Cruise.

Inaasahang tatangkilikin ng South Korean audience ang Pinoy champ na sikat sa Hallyu capital.

Ang programang Running Man, na kilala sa kanilang "variety of themed projects and race-based formats" ay napapanuod kada Linggo.

Ang kilalang programa ay mayroong lokal na bersyon na rin sa Pilipinas na kasalukuyang napapanuod sa GMA Network.