Muli na namang nabuhay ang panawagang palayain na si dating Senator Leila de Lima kasunod ng insidente ng pangho-hostagesa loob ng kanyang detention facility sa Camp Crame nitong Linggo ng umaga.

Naging trending ngayon sa Twitter ang "#FreeLeilaNow" matapos kumalat sa social media ang insidente na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlong inmate, isa sa mga ito ay nang-hostage sa dating senador, matapos magtangkang tumakas.

"De Lima has been held hostage by the Philippine government the past five years for her views and human rights advocacy. She should be released from police detention immediately," hirit ng Human Rights Watch Philippines batay na rin sa kanilang tweet.

"We are horrified by the events that transpired today inside the headquarters of the Philippine National Police where former Senator Leila de Lima was, according to the police, taken hostage. This only underscores the compelling need to release her from police detention. She should never have been there to begin with," panawagan ng senior researcher ng grupo na si Carlos Conde.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ganito ang panawagan ni dating Vice President Leni Robredo.

"Dasal namin ang iyong kaligtasan at tuluyang paglaya, Sen Leila. Ang atin ding dasal sa kaligtasan at agarang paggaling ni PCpl. Roger Agustin," bahagi ng social post ni Robredo.

Pinaiimbestigahan naman ni dating Senator Francis "Kiko" Pangilinan ang insidente. "We also reiterate our callthat governmenttake swift measures to fast-track the resolution of her cases. Former Sen. De Lima does not belong in prison, is being unjustly detained, and must be released," aniya.

"How can armed detainees easily gain access to the custodial cell of Sen. Leila, which is deep inside the PNP national headquarters? What lapses in security must be addressed, and most of all, who is responsible for these lapses? We strongly deplore this breach of duty," pagtatanong naman ni Hontiveros.

Umaapela rin si Senator Koko Pimentel na dapat "mabilis na gumulong ang hustisya" sa bansa

Si De Lima ay nakakulong sa PNP Custodial Center matapos arestuhin noong Pebrero 24, 2017 nang sampahan ng patung-patong na kaso dahil umano sa pagkakasangkot sa paglaganap ng illegal drugs sa National Bilibid Prison.