Mananatili sa kaniyang silid sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center si dating senadora at hepe ng Commission on Human Rights (CHR) kasunod ng insidente ng hostage-taking, Linggo ng umaga.

Sa isang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa Twitter, ipinaabot ng Pangulo na bukas siya kung nais na magpalipat ng kulungan si De Lima.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

https://twitter.com/bongbongmarcos/status/1578945994875863041

Tinanggihan naman ito ng dating mambabatas ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na personal ding bumisita kay De Lima nito ring Linggo.

Nauna nang kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang karahasan at agad na pinagpapaliwanag ang parehong PNP at Department of Justice (DOJ) sa aniya'y breach of duty sa PNP Custodial Centerkung saan nakakulong ang ilang high-profile suspect kasama ang dating senador.

Hiniling din ng senador ang mas mahigpit na seguridad sa naturang special jail.

Basahin: PNP, DOJ, pinagpapaliwanag kasunod ng insidente ng hostage taking kay De Lima – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, sa isa ring pahayag sa Twitter, muling nanawagan si dating Vice President Leni Robredo para sa “kaligtasan at tuluyang paglaya” ni De Lima.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1578959150700466177

Nagpaabot din ng dasal si Robredo para kay PCpl Roger Agustin na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos magtamo ng ilang saksak bago ang tangkang pangho-hostage kay De Lima.

Basahin: Tumatakas? 3 detainees, patay dahil sa pangho-hostage kay De Lima – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa pagresponde ng Special Action Forces (SAF), napaslang ang mga inmate na sinaArnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao. Jr. na bigo umanong makipag-negosasyon sa mga otoridad.