Nakapag-uwi rin ng panalo ang De La Salle University laban sa Ateneo Blue Eagles, 83-78, sa kanilang laro sa UAAP Season 85 sa Araneta Coliseum nitong Linggo, simula noong 2017.

Sa rekord ng UAAP, huling nanalo ang La Salle kontra Blue Eagles, 92-83, kung saan namuwersa ang 6'8" power forward/center nito na si Ben Mbala, noong Nobyembre 29, 2017.

Mula noon ay hindi na nanalo ang Green Archers laban sa Ateneo.

7Sa tagumpay ng La Salle nitong Oktubre 9, nakakolekta si Schonny Winston ng 25 puntos, limang rebounds at dalawang steals.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Binura ng Green Archers ang double-digit advantage ng Blue Eagles sa unang bugso ng laban hanggang maiuwi nila ang panalo.

"I think the boys really worked hard. They believed that they can beat Ateneo, and we really worked and prepared for Ateneo," banggit ni La Salle coach Derick Pumaren."Even when we were down, we were able to regroup noong 2nd quarter. I think we even got the lead noong 2nd quarter. Hat's off to my guys. I told them to never doubt that we can match up with Ateneo, and they showed it in today's game," aniya.

Nagpakitang-gilas din sa sagupaan sina Evan Nelle sa nakuhang 10 points.

Nanguna naman sa Blue Eagles ang Most Valuable Player na si Ange Kouame sa nakuhang 22 puntos, 12 rebounds, apat na blocks at dalawang assists habang nakaipon naman ng 19 puntos at 10 rebounds si kai Ballungay.

Hawak na ng La Salle ang 2-1, panalo at talo, kapareho ng Ateneo.