Dahil sa ikinasang buy-bust operation, natunton ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa 990 na kilo ng shabu na aabot sa ₱6.7 bilyon sa pagsalakay sa isang storage area sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado na ikinaaresto ng isang pulis na pinaghihinalaang sangkot sa sindikato.
Ayon kayPNP Drug Enforcement Group (PDEG) chief,Brig. Gen. Narciso Domingo, nag-ugat ang lahat nang maaresto angpinaghihinalaang drug pusher na si Ney Saligumba Atadero sa Barangay 252 sa Tondo, nitong Oktubre 8 ng hapon.
Nang isailalim sa interogasyon, inginuso nito ang imbakan ng iligal na droga sa loob ng isang lending company na Wealth and Personal Development Lending, Inc. na nasa Sta. Cruz, Maynila.
“When we searched the area, we found documents implicating a certain Police Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr. The documents revealed vital information as to the names of those involved in the transactions,” sabi niDomingo sa isang pulong balitaan sa Camp Crame sa Quezon City.
Nang magsagawa ng follow-up operation, dinakip si Mayo sa Quezon Blvd. sa Maynila dakong 2:30 ng Linggo ng madaling araw.
Si Mayo ay nakatalaga saPNP Drug Enforcement Group (PDEG)-Special Operations Unit sa National Capital Region.
Sa imbestigasyon, natuklasang pag-aari rin ni Mayo ang lending company.
Nasamsaman si Mao ng dalawang kilo ng gabina nagkakahalaga ng₱13.6 milyon.
Kumpiskado rin sa kanya ang iba't ibangidentification card, isang Sports Utility Vehicle na pag-aari nito at ang kanyang service firearm.
Sa isa pang follow-up operation, dinampot din ang isa pang umano'y dawit sa sindikato na si Juen Francisco sa Pasig City
Dominog said another follow-up operation based on the information they obtained from the lending company office in Manila resulted in the arrest of another illegal drugs player in Pasig City, identified as Juden Francisco.
Matagal na aniyang isinailalim sa intelligence operations si Francisco dahil sa pagkakadawitsa droga.
"We also arrested seven people who were then guarding him in Pasig City, Initially, they said Francisco was not in the area but during our search, we found that he was there,” ani Domingo.
Kabilang sa pitong naaresto sina Lyndon Dionson, Kenneth Dionson, Dindo Chococo, Ritzel Carballo, Bernardo Corridor, Rodolfo Detlla at Virgilio Bacuz.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.
Aaron Recuenco