Isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Sabado ang paunang tagumpay nito sa health at livelihood program, gayundin sa usapin sa kapayapaan ng bansa sa unang 100 araw nito sa puwesto.

“Wala pa naman talaga tayo sa kalingkingan ng kabuuang planong gusto nating ipatupad, nakapaglatag naman tayo… ng matibay na pundasyon bilang simula ng pinangako nating pagbabago,” bungad ni arcos sa kanyang lingguhang vlog.

“Tiniyak natin na mabigyan ng sapat na atensyon ang pundasyong itinuturi nating sangkap ng isang masaganang lipunan,” anito.

Ibinida rin nito ang pasya ng gobyerno na ituloy ang face-to-face classes sa kabila ng banta ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

"Ito ay nagdala ng significant economic activity at stimulus, lalo na sa retail at informal vendors.Ang pagbangon ng ating ekonomiya ay pagbangon ng pamilyang Pilipino kaya naman puspusan ang ating ginagawang mga hakbang para dumami ang hanapbuhay at oportunidad dito sa bansa,” sabi nito.

Kabilang din aniya sa tagumpay ng administrasyon ang "PinasLakasprogram" kung saaninilapit sa mga komunidad ang booster campaign nito.

Hindi rin aniyanito pinabayaan ang mga health workers nang ilabas ng gobyerno ang P1 bilyong pondo para sa kanilang special risk allowance.

Inaasahan din nito ang mas maraming trabaho sa mga susunod na buwan na bunga ng kanyang pagbisita sa Indonesia, Singapore at sa United States kung saan ito nakakuh8a ng $18.9 bilyong investment pledges.

“Patuloy din itong decommissioning program ng gobyerno kung saan parami ng parami ang mga rebeldeng nagbabalik-loob,” sabi ng Pangulo.

"Dumadami ang gustongmakipag-negosyosa kanila. Kampante ang mga investor na stable at maayos ang patakbo sa kanilang mga lugar,” pahayag nito.

Aminado rin ang Pangulo na hindi pa naisasakatuparan ang karamihan sa kanyang pangako dahil abala ito sa pagbuo ng kanyang Gabinete.