Matapos tiyakin ng isang construction supply company ang viral na insidente ng paninigaw umano ng isang supervisor sa isa nilang empleyado, nagsimula nang umaksyon ang kanilang pamunuan kamakailan.

Noong Miyerkules, Oktubre 6, ipinabatid ng RHC Builders warehouse ang ipinataw na preventive suspention sa sangkot na supervisor na viral post.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Basahin: Sinigawang empleyado, nag-viral; kumpanya, humingi ng pasensya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan kamakailan, isang concerned netizen ang nagpaabot sa pamunuan ng kompanya ukol sa umano’y paninigaw sa empleyadong nakasabay niya sa isang pampublikong transportasyon.

“Kung sino man po ‘yung kausap ni Manong sa phone. Nagsasabi naman nang totoo ‘yung tauhan n’yo na nasiraan ‘yung DAU-APALIT Bus,” mababasa sa burado nang Facebook post noon ng isang Cretz Catigtig.

“Hindi naka-speaker phone si manong pero lumalabas ‘yang ngala ngala mo sa cellphone niya. Hindi naman niya kasalanan na nasiraan ‘yung sinasakyan niya konting konsiderasyon,” dagdag niya.

“Ayaw ko mangialam sana kaso mukhang gusto nang lumabas sa CP ‘yung boses ng kausap niya kakasigaw. ‘Yun lang period.”

Agad itong umani ng sari-saring reaksyon sa social media kabilang ang agad na pagtuligsa ng maraming netizens sa nasabing kompanya.

Samantala, nagpapatuloy umano ang imbestigasyon sa naturang insidente habang suspendido na ang supervisor ng empleyado na malinaw umanong lumabag sa core values ng kompanya.

Muling pagtitiyak ng RHC Builders, patas na sinisiyasat ang insidente at may karampatang due process na sinusunod.

“The power of social media, used appropriately. To the supervisor, may it become a lesson and a reminder na wala ka karapatan manigaw-nigaw ng employee just because you are the supervisor,” mababasa sa kamakailang viral na reaksyon ng isang netizen ukol sa isyu.