Walang balak yumuko sa babaeng ipinagpalit sa kaniya ng dating ex-fiancé na nagdadalantao pa, ang isang biktima umano ng panloloko at Reddit user na viral na sa kaniyang mala-teleseryeng kuwento sangkot ang tumataginting na P1 milyong insurance.

Ito ang instant viral na pagbabahagi ng isang Reddit user matapos malamang benepisyaryo pa rin siya ng insurance ng dating fiancé matapos siyang ipinagpalit nito sa ibang babae, anim na buwan bago sana ang kanilang kasal.

“We were together for 5 years and just got engaged when we got life insurance policies kaya we were each other's beneficiaries. Then, six months before the wedding, he cheated on me. Pinatawad ko kase nanghihinayang ako sa 5 years and the fact that we were already engaged. Then two months before the wedding, he left me for the girl he cheated on me with,” anang anonymous account.

Pagsasalaysay niya, halos mabaliw umano siya at nagmakaawa pa sa babaeng nasangkot.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“She was in her early twenties and had her whole life ahead of her. I was in my thirties and felt that my ex was my last chance. Sabi lang ng ex ko tigilan ko na siya kase hindi na niya ako mahal.”

Tila malaking plot twist naman ang nalaman niya isang taon ang nakalipas nang mamayapa ang ex-fiancé at nanatili siyang benepisyaryo nito.

“I was shocked because it was so out of the blue. But then I was even more shocked when days later his sister called me and said that I am still the beneficiary of his insurance policy, thus I will get around a million pesos in payout,” dagdag niya.

Tila pagresbak naman ang balak ng Reddit user na walang planong ibigay ang naturang halaga sa nabuntis ng dating kasintahan at aniya'y dahilan ng kaniyang napurnadang kasal.

“His girlfriend, the same girl he cheated on me with, wants me to give her the money because she's pregnant with their child and is unemployed. Honestly? I don't care. I have a million pesos to my name care of my cheating boyfriend,” dagdag niyang salaysay.

“He and this girl destroyed my life and they didn't care about me back then. Why the hell should I care about them now? Buhayin mo anak mo, hindi ko kasalanan na hindi ako pinalitan as beneficiary,” aniya pa.

Agad na nag-viral sa iba’t ibang social media platform ang screenshot ng naturang Reddit post na anang netizens ay mala-teleserye ang peg.

Kalakhan naman sa netizens ang suportado ang pasya ng Reddit user at anila’y “payback time” matapos mabiktima ng panlokoko.

Kiber din ang naturang user sa pamilya ng dating ex na “kinunsinti” pa umano ang panloloko ng dating kasintahan.

“Idon't know and I don't care about what his family thinks. As far as I'm concerned kinunsinti nila yung anak/kapatid nila because they accepted the girl sa bahay nila. Parang wala kaming pinagsamahan for 5 years,” anang user.

Handa naman ang Reddit user para sa isang legal battle matapos magbantang kakasuhan siya ng kampo ng babae para sa P1-M insurance claim.

“The girlfriend said they will sue me for the money. May mga nakausap na akong financial advisor and someone already referred me to a lawyer, may meeting kami next week.”