Matapos ang halos tatlong taong hiatus, magbabalik na sa Disyembre ang Japan-based Miss International competition na dadaluhan ng nasa 70 bansa.

Kumpirmado na ng pageant brand ang pagpapatuloy ng kompetisyon ngayong Disyembre ayon sa kanilang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 7.

“The Miss International Beauty Pageant is a showcase of the passionate actions of beauty ambassadors selected from around the world with the aim of contributing for the betterment of society,” mababasa sa kanilang anunsyo.

“Beautiful women with high aspirations and who want to contribute to the international community will come as ‘ambassadors of goodwill’ and participate in various activities that foster meaningful relationships with each other and promote world peace,” dagdag nito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa pagbabalik ng pageant, sisiyasatin ng organisasyon ang mga kandidata sa pamamagitan ng ilang linggong pre-pageant activities kabilang syempre ang kanilang final presentation sa national costume, swimsuit, long gown at ang pinakamahalaga sa lahat, ang final speech.

Sa parehong anunsyo, sa darating na Oktubre 14 magbibigay ng dagdag na detalye ang organisasyon kasabay ng pagbubukas ng ticket sale para sa final competition.

Kaugnay nito, nauna nang naglabas ng top picks ang pageant experts ng Missosology kung saan pasok sa Top 5 ang manok ng Pilipinas na si Hannah Arnold.

Basahin: Hannah Arnold, pasok sa unang hot picks ng Missosology para sa Miss International 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid