Mahigit 290,000 indigent senior citizens ang nakatanggap ng kanilang P1,500 cash allowance para sa ikatlong quarter ng 2022 sa ilalim ng Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Indigent Senior Citizens (SPISC).

Sa ulat ng DSWD, 284,700 indigent seniors mula sa Davao region ang nakatanggap ng kanilang cash assistance sa pamamagitan ng DSWD Field Office XI, Municipal/City Social Welfare and Development Offices (C/MSWDO), at mga local government units (LGUs) ng rehiyon.

Samantala, 4,999 na seniors sa ilalim ng DSWD Field Office I, 1,713 mula sa Merida, Leyte, at 709 mula sa San Jose del Monte sa Bulacan ay nakatanggap na rin ng cash aid.

Sa ilalim ng SPISC, ang mga senior citizen na “mahina, may sakit o may kapansanan” ay tatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng P500 buwan-buwan upang matulungan sila sa kanilang medikal at iba pang gastusin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito ay pinangunahan noong 2011 sa pamamagitan ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 at ipinapatupad sa buong bansa ng DSWD sa pakikipagtulungan sa 17 field offices at LGUs nito.

Ang C/MSWDO at ang Office of the Senior Citizens Affairs ay nagsisilbing pangunahing katuwang ng departamento para sa pagpapatupad ng programa.

Luisa Kabato