Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng ilang bahagi ng Eastern Visayas dahil na sa posibilidad na magkaroon ng flash flood at landslide dulot ng low pressure area (LPA).

Sa abiso ng PAGASA, makararanas ng malakas na pag-ulan ang Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, BARMM, Mindoro Provinces, at Palawan sa susunod na 24 oras.

Sinabi ng ahensya, ang inaasahang pag-ulan ay epekto lang ng buntot ng LPA.

Bukod sa mga nabanggit na lugar, maaapektuhan din pag-ulan o thunderstorms ang Metro Manila ang iba pang bahagi ng bansa.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Apela rin ng PAGASA sa mga local government unit sa mga tinukoy na lugar na maging alerto para na rin sa kaligtasan ng mga residente.