Isang taon na ang lumipas mula nang ipahayag ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa 2022 national elections, kabilang sa mga nakaalala nito ay ang dating senatorial aspirant, at human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno.

Sa kaniyang tweet nitong Biyernes, Oktubre 7, sinabi niyang napuno ng pag-asa ang puso ng maraming kababayan mula nang 'tumindig' si Robredo.

"Isang taon na ang nakalipas mula nang tayo’y tumindig kasama ni Atty. @lenirobredo para sa mahusay na pamamahala," aniya.

"Hope filled the hearts of many of us. At masaya akong hanggang ngayon, sumisiglab pa rin ang alab sa ating mga puso!" dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"#TuloyAngBayanihan para sa mahal nating bayan."

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1578380231819218945

Matatandaang kabilang si Diokno sa senatorial slate ng Robredo-Pangilinan tandem noong 2022 national elections ngunit hindi siya pinalad na manalo.

Nito ring Oktubre 7, muling nagtrending sa Twitter ang #KulayRosasAngBukas bilang pag-alala sa kandidatura ni Robredo. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/07/kulayrosasangbukas-muling-nagtrending-sa-twitter/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/07/kulayrosasangbukas-muling-nagtrending-sa-twitter/