Aabot sa 26 na pamilya ang nabiyayaan ng sariling lupa sa ilalim ng ‘Land for the Landless’ ng Manila City Government.

Mismong sina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo-Nieto, at Manila Urban Settlements Office (MUSO) Officer-in-Charge Atty. Cris Tenorio ang nanguna sa pagkakaloob ng lupa sa mga naturang pamilya, na mula sa District 2, 3, at 4 ng lungsod nitong Biyernes.

Ang naturang seremonya na isinagawa sa Manila City Hall ay sinaksihan rin ng Kalihim ng Punong Lungsod na si Atty. Marlon Lacson, mga konsehal mula sa District 2 na sila, Konsehal Rodolfo "Ninong" Lacsamana at Konsehal Darwin "Awi" Sia, mga konsehal mula sa District 3 na sina Konsehala Johanna Maureen "Apple" Nieto-Rodriguez, Konsehal Terrence Alibarbar, Konsehala Pamela "Fa" Fugoso, at mga konsehal mula sa Distrito IV na si Konsehal Louisito "Doc Louie" Chua.

Ayon kay Lacuna, ang mga nasabing lupa ay matatagpuan sa Dimayuga Estate, Alegar Estate, Alfonso Tuazon Estate, Rita Legarda Estate, at Jose Fajardo Estate.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Parte aniya ito ng programang "Land for the Landless" kung saan ang mga kwalipikadong Manilenyo ay gagawaran ng lupa na siyang aabonohan ng ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na kanilang unti-unting babayaran sa loob ng 30 na taon.

Pinaalalahanan rin naman ni Lacuna ang mga ginawaran ng lupa na huwag makalilimot sa kanilang responsibilidad ng pagbabayad upang magamit ito ng lokal na pamahalaan para makatulong sa iba pang kwalipikadong residente na walang lupa.

“Sikapin po natin na maibalik natin sa pamahalaang lungsod ang pagsisikap namin para sa inyo,” aniya.