Nakapagtala ng 2,197 bagong impeksyon sa Covid-19 ang Pilipinas nitong Sabado, Oktubre 8, iniulat ng Department of Health (DOH).

Ang tally ng mga aktibong kaso sa buong bansa ay nasa 27,065.

Ang mga rehiyon na may pinakamaraming impeksyon sa nakalipas na 14 na araw ay ang Metro Manila na may 12,587 kaso, sinundan ng Calabarzon na may 5,331, Central Luzon na may 2,811, Davao region na may 1,372, at Western Visayas na may 844.

Ang Covid-19 recovery tally ay nasa 3,875,570 habang ang namatay ay nasa 63,230.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang mga kaso noong Sabado ay nagtulak sa caseload ng bansa sa 3,965,865.

Kaugnay nito, nasa 60 katutubo sa Sitio Camachile, Floridablanca, Pampanga ang nabakunahan laban sa Covid-19 kamakailan, sinabi ng DOH.

Bukod sa pagbabakuna sa Covid-19, nagsagawa rin ang DOH ng routine immunization sa lugar.

“Maliban sa mga bakuna laban sa Covid-19, hinihikayat din po namin kayong magpabakuna laban sa ibang mga sakit kagaya ng tigdas, bulutong, at iba pa,” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

“Libre rin po itong hatid ng ating lokal na pamahalaan. Para maiwasan natin, lalo na sa ating mga kabataan, ang pagkakasakit, magpabakuna na po tayo!,” dagdag niya.

Analou de Vera