BAGUIO CITY – Sinampahan ng kaso ang 14 na security guards dahil sa umano'y iligal na pag-okupa ng mga ito sa cottage ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa loob ng Baguio Animal Breeding and Research Center (BABRC) sa Purok 1, Brgy. Dontogan ng Baguio City noong Biyernes ng umaga, Oktubre 7.
Kinilala ang mga security guard na sina John Joward Martinez Guevara, 41;Jaime Chicote Milagrosa Jr., 49;Reynaldo Permijo Ramiro, 50;Antonio Luna Banadera, 32; Percival Borja Laguisan Jr., 35;Jovannie Subido Fernandez, 29;Jeorge Acosta Molina, 43; Dennis Valencia Cayabyab, 23; Donato Cancing Domingo, 37; Wilfredo GutierrezAlcaraz Jr., 42; Dante Estoesto Balino, 48; Joselito Jacala Estrada, 40; Raffy Opena Manalastas, 40 at Estrada Melchor Avenigno, 27.
Ang mga naturang security guard ay empleyado ng 8 Dragons Elite Security Agency na naka-base sa Quezon City.
Nadakip ang mga ito dahil sa reklamoni Robert Lomadeo Domoguen, 64, officer in charge ng Center Head of Baguio Animal Breeding and Research Center (BABRC) na kasalukuyang tumutuloy sa Baguio Dairy Farm.
Sa imbestigasyon base sa sinabi ng complainant na dakongalas-10 ng umaga ng Oktubre 4, ang mga security guard ay pwersahang umanong pumasok sa saradong lugar ng ari-arian na pag-aari ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR) ng walang pahintulot mula sa ahensya.
Napag-alaman na nakapasok ang mga guwardiya sa pamamagitan ng pagdaan sa may concretefence na pag-aari ng Isla Land Developers, Inc. sa may Phase 5, Green Valley Village, malapit sa Baguio Dairy Farm.
Nang nasa loob na ng government property, sapilitang inokupa umano ng mga security guard ang lumang BPI cottage sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng nasabing cottage.
Sinabi ng mga guwardiya sa mga imbestigador, isang nagngangalang Andrew Bandoc Directo, 38 at residente ng Moldex Residences, Marcos highway, Bakakeng Central, Baguio City, ang nag-hire sa kanilang serbisyo na magbantay sa lugar para makuha ang kaniyang parsela ng lupa na sakop ng Transfer Certificate of Title (TCT) sa nasabing lugar.
Sinabi ng DA-Cordillera na ang pinagtatalunang lugar ay pag-aari talaga ng ahensya at nasa ilalim pa rin ito ng paglilitis sa korte.
Isa sa mga kinatawan ng nasabing security agency ang nagsumite sa pulisya noong Oktubre 6 ng kopya ng pagwawakas ng kontrata sa pagitan ng ahensya at ng kanilang kliyente, subalit nanatili pa sila sa lugar.
Humingi ng police assistance ang caretaker ng BPI cottage sa BCPO-Station 10 dakong alas 5:45 ng umaga ng Biyernes at agad itong inaksyunan at dinakip ang mga guwardiya dakong alas 6:15 ng umaga ng araw din iyon.
Dalawa sa mga naarestong guwardiya ang isinuko sa pulisya ang kanilang baril na isang cal.9mm pistol na may kasamang 1 magazine na naglalaman ng 8 ammunitions at isang caliber.38 revolver na may 5 ammunitions na ginamit ng kanilang grupo bilang service firearms, na walang maipakitang kaukulang dokumento.
Kinasuhan sila ng Baguio City Prosecutor's Office ngkasong paglabag saArticle 281 of the Revised Penal Code (Trespassing) and violation of Illegal Possession of Firearms and Ammunition sa ilalim ng Republic Act 10591.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng station ang mga guwardiya at inaasahang makapag-piyansa sa Lunes, Oktubre 10.