Sinupalpal ng negosyante at online personality na si Xian Gaza ang hindi makatarungang sistema ng pasahod sa bansa na aniya’y resulta ng walang siguradong batas para sa usapin.

Viral ang isang Facebook post ni Xian nitong Huwebes kung saan inihayag niya ang tila saloobin din ng maraming manggagawang Pilipino sa bansa.

“Mag-aaral ka Grade 1 to Grade 12 plus 4 years sa college tapos papasahurin ka ng 20K per month hay nako tanginang buhay yan napaka-unfair,” ani Xian.

“Manghihingi pa ‘yan ng 2 years experience kahit pwede mong matutunan yung trabaho sa 1 month training,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tumabo na sa mahigit 100,000 reactions at 47,000 shares ang naturang post sa pag-uulat.

Pagbabahagi pa ng negosyante sa kapwa negosyante, “Lahat ng empleyado ko ngayon ay hindi nagpasa ng diploma nor any educational attainment cheverlu. Not required. Kahit elementary lang ang tinapos mo basta ma-execute mo ng tama yung trabaho. Yun lang naman talaga ang mahalaga eh.”

Kilala ang online personality sa ilang negosyo sa Dubai, Thailand bukod sa iba pa.

Nakikita naman ni Xian ang kawalan aniya ng malinaw na batas dahilan para sa hindi masolusyunang sistema.

“Napakayabang ng mga employers para sa kakarampot na sahod. Basura kasi ang mga batas natin pati na yung mga nag-iimplement nito,” anang negosyante.

“Ang dapatkasi diyan eh mayroong solid law for salary levels na kapag nag-hire ka ng college graduate with experience eh doble yung sahod para yung mga employers ay mapwersang kumuha ng unexperienced high school grads,” dagdag niya.

Noong Hulyo, inaprubahan ng pamahalaan ang dagdag na P33.00 minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa kabuuang P570 bawat araw.

Ilang grupo ang napabalitang umalma sa kakarampot na umento ng mimimum na sahod sa gitna ng pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.