Naghahagilap ng professional translator ang talent manager na si Wilbert Tolentino para sa nalalapit na pagsabak ng kaniyang alagang si Herlene “Hipon Girl” Budol sa Miss Planet International competition sa Africa.

Sa isang Facebook post, Huwebes, parehong translator mula Filipino to English, at English to Filipino ang kailangan ng team ni Herlene bilang paghahanda sa kauna-unahang attempt ng bansa sa international crown.

Makakasama ng beauty queen ang translator na magiging opisyal niyang tagasalin sa nasabing kompetisyon.

Pagtitiyak ng talent manager, ang official translator, na kailangang may sariling credentials, ay makatatanggap ng “good compensation” at walang babayarang gastos sa paglipad sa Uganda.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Please email us [email protected] with your contact number,” paghihikayat ni Wilbert sa mga interesadong candidates para sa trabaho.

Sa isang comment sa parehong Facebook post, nagpasalamat naman ang beauty queen sa kaniyang manager sa patuloy nitong pagsuporta sa kaniyang journey.

“Sana may mahanap at sumuporta sa journey ko,” ani Herlene.

Basahin: Herlene, opisyal nang inendorso ng Binibining Pilipinas bilang manok ng bansa sa Miss Planet Int’l – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Agosto, nang ianunsyo ang potensyal pa lang na pagsabak ng beauty queen sa international pageant, nangako na itong magbibigay ng karangalan para sa bansa.

“Hinding-hindi ko po kayo iiwan. Sabi nga ni Sir Wilbert, meron pa po mga susunod na laban kagaya sa international [scene]. Isisigaw ko po dun at handang-handa na po ako sumigaw ng Pilipinas kahit na Tagalog. Hindi ko kinakahiya,” sabi ni Herlene.

Sa Nobyembre 19 gaganapin ang Miss Planet International competition.