Pinagmulta ngPhilippine Basketball Association (PBA) siTNT coach Chot Reyes matapos sugurin ang mga game official dahil kasunod ng pagkatalo ng koponan laban sa Magnolia sa iskor na 94-92, sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules.

Umabot sa ₱50,000 ang multa ni Reyes habang si TNT team manager Jojo Lastimosa ay pinagmulta ng₱20,00 nang sumugod din sa table officials pagkatapos ng laro.

Si Reyes ay kaagad na sumugod sa officials' table pagkatapos ng final buzzer upang komprontahin ang mga ito sa umano'y late na tawag sa player nito na si Calvin Oftana.

Idinahilan ng PBA, nilabag umano ni Reyes ang patakaran ng liga na nagsasabing bawal lumapit sa technical group table o makipag-usap sa mga opisyal habang sila ay naglalaro.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador