Ipinagbabawal muna ng gobyerno ang paghango ng shellfish sa Sorsogon Bay matapos maapektuhan ng red tide.

Sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ipinatigil din ang pagbenta, pagbili at pagkain ng mga shellfish at iba pang uri nito na mula sa nasabing lugar.

"To safeguard human lives and mitigate impacts to the shellfish industry while waiting for the BFAR Central Office confirmatory results using Receptor Binding Assay (RBA), this warning is issued as a precautionary advice to the consuming public," ayon pahayag ng BFAR sa Bicol.

Gayunman, sinabi ni BFAR na ligtas pa ring kainin angmga isda, pusit, hipon at alimango na na hinahangosa Sorsogon Bay.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Payo ng BFAR,kailangan lang malinis nang husto ang mga ito bago lutuin.

Idinagdag pa ng BFAR, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan sa palibot ng Sorsogon Bay kaugnay ng usapin.