Suki bilang special guest sa concert ng ilang local artists ngayong Oktubre si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Kilala ang OPM icon sa kaniyang masugid na pagsuporta sa upcoming Pinoy artists kaya naman suki rin ng concert scenes si Songbird.

Matapos ang kamakailang matagumpay na two-night concert na “East Meets West” concert ni Troy Laureta kung saan isa sa mga guest si Songbird, masusundan agad ito ng tatlo pang musical event ngayong buwan.

Sa Oktubre 8, mapapanuod ang singer sa The Filipino Teacher: Our Pride, Our Purpose, Our Passion, isang virtual musical treat para sa kaguruan bilang pagdiriwang pa rin ng Teachers’ Month.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Present din si Songbird sa 35th anniversary concert ni Ice Seguerra sa The Theatre at Solaire sa darating na Oktubre 15.

Pagtitiyak ng dating child star sa fans, kakasa siya sa ilang Regine hits na aminadong long-time “inspiration” ang OPM icon.

Dagdag nito, makiki-celebrate din si Songbird kasama ang Millennials at Gen z sa nalalapit na Araneta concert ng grupong “The Juans” sa Oktubre 23.

Birong hashtag tuloy ng singer sa kaniyang serye ng Instagram post, siya’y isang “pambansang guest.”

Si Regine ay kilala sa kaniyang solo sold-out concerts sa Mall of Asia (MOA) Arena, Araneta Coliseum, bukod sa iba pa.