CEBU CITY – Napuksa ng pulisya ang hindi bababa sa 2,000 halaman ng marijuana na nagkakahalaga ng P800,000 sa isang bulubunduking barangay sa Toledo City, Cebu noong Huwebes, Oktubre 6.

Ang plantasyon ng marijuana ay natuklasan ng 2nd Provincial Mobile Force Company.

Sinabi ni Brig. Gen. Roque Eduardo Vega, hepe ng Police Regional Office-Central Visayas, sinubukang tumakas ng mga umano'y nagtatanim ng taniman ng marijuana matapos makitang dumating ang mga alagad ng batas ngunit isa sa kanila ang tuluyang nakorner.

Kinilala ang nahuling suspek na si Christopher Cañaliso, 37 anyos.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nakilala ang kasama ni Cañaliso na si Felix Labaso. Sinabi ni Vega na patuloy ang follow-up operations upang mahanap si Labaso.

“I laud the troops for the accomplishment and ensure the apprehension of other drug personalities involved,” ani Vega.

Calvin Cordova