Hinarangan na ng University of Santo Tomas (UST) ang kanilang tiger statue matapos itong mag-viral sa social media.

Ibinahagi ng The Varsitarian, official student publication ng UST, na tuluyan nang hinarangan ang tiger statue at tinanggal ang mga baryang nakalagay sa bibig nito.

"UST has barricaded the tiger statue at the Plaza Mayor with stanchion barriers and removed the coins placed in its mouth after it became a make-believe wishing well for Thomasians this prelims week," saad ng The Varsitarian.

"Fr. Dexter Austria, O.P., director of the University's Facilities and Management Office, earlier urged Thomasians to "pray to God through the saints for intercession" instead of placing coins in the Tiger's mouth as it is "not an object of devotion." Other objects placed in the Tiger's mouth were calamansi, packs of instant noodles, sticky notes, and other green items," dagdag pa nito.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Matatandaang nag-viral sa social media ang ilang mga larawan ng tiger statue na kung saan makikita na puno ng barya ang bibig ng tiger statue at iba pang mga kagamitan mula sa mga estudyante dahil sa paniniwalang parang itong "wishing well."