Inihayag ni Mayor Ruffy Biazon na ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun)-Ospital ng Muntinlupa (OsMun) College of Medicine ay tumatanggap na ng mga aplikante para sa Doctor of Medicine Program. Magsisimula ang mga klase sa Okt. 10.

Parehong city-run ang PLMun at OsMun.

“Mag-enroll na sa kauna-unahang medical school sa Muntinlupa! Experienced at mahuhusay ang faculty members mula sa iba’t ibang medical school sa bansa gaya ng University of the Philippines, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, atbp,” anang alkalde.

Binanggit din ni Biazon na ang PLMun-OsMun College of Medicine ay isa sa mga medikal na paaralan sa bansa na may pinaka-abot-kayang matrikula. Mayroon ding mga scholarship na makukuha sa pamamagitan ng Muntinlupa Scholarship Division ng lungsod.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kailangang isumite ng mga aplikante ang kanilang transcript of records ng apat na taong bachelor's degree at resulta ng kanilang National Medical Admission Test (NMAT), na ginagamit sa pagpili ng mga estudyante sa mga medikal na paaralan sa bansa, na kinuha sa loob ng dalawang taon mula sa petsa ng aplikasyon.

Kailangan din nilang punan ang isang application form.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagpasa ang Konseho ng Lungsod ng Muntinlupa ng ordinansa na lumilikha ng College of Medicine and Advanced Sciences ng Ospital ng Muntinlupa bilang isang local economic enterprise.

Nakasaad sa ordinansa na ito ay "tatakbo ayon sa pagkaka-configure sa Universal Health Care Law sa simula na may layuning hubugin ang mga mag-aaral na naaayon sa umiiral na sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng gobyerno na sa kalaunan ay magiging mga tagapaglingkod at tagapamahala ng pampublikong kalusugan na may gampaning serbisyo sa gobyerno."

Jonathan Hicap