Mapapakinggan na sa iba’t ibang music platforms ang brand new tracks sa “HEAL” album ng South Korean pop-rock band na “The Rose.”

Nitong Biyernes, Oktubre 7, opisyal nang inilabas ng grupo ang bagong mga kanta matapos ang mahigit tatlong taong hiatus sa music scene.

Matatandaan na naunang inilabas ng grupo ang unang single na “Childhood” noong Setyembre 16.

Sa pag-uulat, tumabo na ito sa halos limang milyong streams sa YouTube pa lang.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Basahin: Korean pop rock band ‘The Rose’ nagbabalik sa music scene; Pinoy fans, excited na sa bagong album – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Huwebes, Setyembre 29, inilantad din ng The Rose ang sampung tracklist na lalamanin ng kanilang brand new album.

Simula ngayong Biyernes, sa wakas ay napakinggan na ng fans worldwide ang pinakabagong ten-track record.

Sa isang listening party sa iba’t ibang music platfroms, ibinahagi ng miyembro ng grupo na sina Woosung, Dojoon, Hajoon at Jaehyung ang ilang kuwento sa bagong mga kanta.

Highlight dito ang kauna-unahang vocal solo ng bassist ng grupo na si Jaehyung sa kantang sinulat na “See-Saw.”

Excited rin ang grupo para sa unang collaboration nito kay Filipino-Australian actor-music producer na si James Reid sa kantang “Yes.”

Basahin: Korean pop rock band ‘The Rose,’ tampok si James Reid sa kanilang comeback album – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang inanunsyo ng The Rose ang kanilang comeback Manila concert kamakailan.

Gayunpaman, wala pang dagdag na detalye kagaya ng petsa o concert venue sa pag-uulat.

Sa Pilipinas, naitampok ang sikat na grupo sa Wish Bus, at Myx Channel ng ABS-CBN matapos ang kanilang matagumpay na concert sa Manila Samsung Hall sa SM Aura noong 2019.

Nakilala ang The Rose sa kanilang mga kantang “Sorry, “She’s In The Rain,” “Red,” bukod sa iba pa.