Nasa pangangalaga ng isang Taylor James mula Vancouver, Canada ang ilang naiwang memorabilia ng American serial killer at cannibal na si Jeffrey Dahmer na kilala sa kaniyang brutal na pagpaslang sa nasa 17 kalalakihan mula 1978 hanggang 1991.

Kasama ng bibliya, psychological report, kubyertos at bukod sa iba pa, ibinebenta ng online store na “Cult Collectibles” ang mga dating kagamitan ni Dahmer.

Cult Collectibles

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa ulat ng TMZ kamakailan, nakuha ni James ang mga naiwang kagamitan ng serial killer matapos siyang kontakin ng dating kasambahay ng ama ni Dahmer, kung saan bahagi ng halagang kikitain mula rito ay mapapasakanya.

Hindi makikita ang nasabing eyeglasses sa website na tinatayang nasa $150,000 o P9-M ang halaga at sa pamamagitan lang ng direktang transaksyon kay James mabibili.

Cult Collectibles

Mula Setyembre, muling naging usap-usapan sa social media ang ukol kay Dahmer kasunod ng paglabas ng Netflix series na “Monster: The Jeffrey Dahmer Story” sa pagganap ni Evan Peters.

Dito binuhay at muling isinalaysay ang brutal na pagpaslang ni Dahmer sa nasa 17 binatilyo at kalalakihan sa loob ng labintatlong taon, sangkot pa ang karumal-dumal na ritwal sa krimen kabilang ang necrophilia, cannibalism at bukod sa iba pa.

Bagaman na-diagnose ng ilang psychological disorder kabilang ang schizotypal personality at borderline personality disorder, nakitang nasa maayos na mentalidad si Dahmer sa kaniyang court trial at nasistensiyahan.

Noong 1994, binugbog hanggang mapatay si Dahmer ng kapwa preso sa Columbia Correctional Institution sa Portage, Wisconsin.