Pinuri ng 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap ang pinakabagong teleserye ng GMA Network na "Maria Clara at Ibarra."
Ito raw ang pangatlong GMA show na susubaybayan ng direktor pagkatapos ng Ghost Fighter at Starla and the Jewel Riders.
"MARIA CLARA at IBARRA. HINDI NAKAKABATO, HINDI PILIT ANG LIPAD NG ISTORYA, HINDI KAILANGAN NG HYPE—maganda talaga," sey ni Yap.
Binati rin niya ang Creative Consultant ng show na si Suzette Doctolero pati na rin ang lead actress na si Barbie Forteza at mismong director ng teleserye.
"Congrats po Suzette Severo Doctolero and the rest of the team! looking forward to the next episodes, nagulat ako kay Barbie Forteza, she’s effective.
"Congrats Zig Dulay, buti nasabi ni Roanna Marie na ikaw ang direktor."
Ang Maria Clara at Ibarra ay mula sa mga lumikha ng Encantadia, Amaya, Sahaya, at Legal Wives. Ang seryeng ito ay halaw mula sa walang kamatayang nobela ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere”, na muling binigyang-buhay upang mailapit sa kabataan ng henerasyong ito.
Pinagbibidahan ito nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo.
KAUGNAY NA BALITA:https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/