Bagaman para sa ikagagaling ni Manay Lolit Solis ang hangad ni “Start-Up” star Bea Alonzo sa isang mensahe kamakailan, sinuklian naman ito ng talent manager ng muling pag-ungkat sa naunang isyu niya sa aktres noong Marso.

Matatandaan na tuloy-tuloy na binabanatan ng batikang showbiz columnist si Bea matapos umanong ipatanggal siya sa isang press conference ng isang beauty brand kung saan ambassador ang Kapuso actress.

Basahin: Manay Lolit, tumalak matapos ipatanggal siya umano ni Bea Alonzo sa isang launching event – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Bongga sagot ni Bea Alonzo sa tanong tungkol sa akin Salve. Ok iyon sinabi niya na ipinagdarasal niya na gumaling ako, thank you. Ang hindi niya sinagot iyon tanong tungkol sa pag-cancel sa invitation ng Beautederm. Either hindi niya alam or umiwas siya talagang sagutin,” sabi ni Manay Lolit sa kaniyang Instagram post, nitong Biyernes.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

Dito muling naungkat ang unang isyu niya kay Bea dahilan para hindi na niya tantanan ang aktres mula noon.

“Sayang ang beauty ni Bea Alonzo kung sa loob naman niya ay meron siyang power playing syndrome. Ang isipin mo na icancel ang invitation para sa mga taong gustong imbitahin ng nagbigay ng presscon, parang napaka petty mong tao. Act of selfishness na talagang hindi ko maisip na magagawa ng isang Bea Alonzo at Shirley Kuan,” ani Manay Lolit sa aktres sa manager nito.

“Kung kanino idea na huwag pa-invite sila Gorgy at Salve, isang malaking kabobohan sa gumawa ng order,” dagdag niya.

Aniya pa, unang beses niyang maranasang mapa-cancel sa isang presscon.

Basahin: Manay Lolit, bakit nga ba ‘galit’ kay Bea Alonzo? Ogie Diaz, may isiniwalat – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nagbahagi ng kaniyang sentimiyento ang kaibigan ni Manay na si Ogie Diaz na tila nabastos nga ang talent manager sa umano’y pagpapatanggal ni Bea sa kaniya sa isang media conference ng nasabing beauty brand.

“Hindi ako bitter sa ginawa nila, after all, up to now, close parin kami kay Rhea Tan ng Beautederm, at naawa kami na dahil sa pagiging nega ng team Bea hindi naging mabili ang product na si Bea Alonzo ang endorser, hindi ba ito na consult ni Shirley Kuan sa lawyer?” paglilinaw naman ng 75-anyos na showbiz personality.

Paulit-ulit na litanya ni Manay kay Bea ang naging isyu nito sa dating nobyong si Gerald Anderson at ang proyekto nitong “Start-Up” na aniya’y ‘di bagay para sa aktres.

Basahin: Bea Alonzo, mukhang tita na raw ni Alden Richards sa ‘Start-Up,’ sey ni Manay Lolit – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Patuloy namang dedma ang Kapuso actress sa mga isyung binato ng talent manager.