Iniutos ng Court of Tax Appeals (CTA) na kanselahin ang mahigit sa ₱2.2 bilyong buwis ng mag-asawang sina dating Senator Emmanuel "Manny" Pacquiao.

Sa ruling ng CTA 3rd Division nitong Setyembre 29 at isinapubliko lang nitong Biyernes, inaprubahan nito ang petition for review na isinampa ng mag-asawa laban sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa kanilang taxable years na 2008 at 2009.

“In sum, the court finds that the subject assessment for deficiency income tax is void for violation of petitioners’ right to due process and for lack of sufficient factual basis,” bahagi ng desisyongpirmado ninaSpecial 3rd Division Chairperson Erlinda Uy, Associate Justices Ma. Belen Ringpis-Liban at Maria Rowena Modesto-San Pedro.

Ipinaliwanag ng korte na noong 2008 at 2009, kumita si Pacquiao sa kanyang pagboboksing sa United States at sa Pilipinas. Bukod dito, kumita rin siya sa pagiging product endorser at sa mga paglabas nito sa telebisyon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Noong 2012, naglabas ng demand letter ang BIR kaugnay ng tax ng mag-asawa na aabot sa₱2.200 bilyong sumasaklaw sa 2008 at 2009.

Dahil dito, nagharap ng protesta ang mag-asawa sa hukuman kasunod na rin ng inilabas nafinal assessment ng kanilang buwis.

Sinabi ng BIR noong 2013, lagpas na sa 30-day period nang maghain ng petisyon ang mag-asawa.

Sa tugon ng mag-asawa, idinahilan nilang nabigo ang BIR na patunayang natanggap nila ang kopya ng assessment.

“No proof of service was presented by respondent to show that it was actually received by petitioners,” ayon sa CTA.

Katwiran pa ng CTA, walang sapat na batayan ang inilabas na tax assessment laban sa mag-asawa, at ibinatay lamang ng BIR ang impormasyon sa mga artikulong lumabas sa mga pahayagan.