Umapela na sa publiko ang isa ring mamamahayag na kapatid ng napatay na broadcaster na si Percival "Percy Lapid" Mabasa upang matukoy at maaresto ang mga suspek sa kaso.
Aniya, naniniwala siya na makipagtulungan pa rin ang publiko sa pulisya upang mabigyan ng katarungan ang pamamaslang sa kanyang kapatid sa BF Resort Village sa Talon Dos, Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.
Nagpasalamat din si Mabasa kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa pag-aalok nito ng₱500,000 pabuya sa ikaaresto ng dalawang suspek na riding in-tandem.
“Just the same, mawawalan ng saysay lahat ng pabuya na ito kung hindi makikipagkaisa ang ating mga kababayan,” sabi ni Mabasa sa panayam sa telebisyon.
“Naniniwala tayo na meron pa ring may magandang kalooban sa ating mga kababayan na gustong tumulong sa pamilya ni Ka Percy na malutas itong pamamaslang na ito,” aniya.
Pinasalamatan din nito sa Abalos dahil kinausap nito ang National Bureau of Investigation(NBI) na nagsasagawa na ng hiwalay na imbestigasyon.
“Mas mabuti na rin na may ibang ahensya na tumitingin at baka may makaligtaan ‘tong PNP (Philippine National Police) nga naman. Pero hindi natininaalisang ating pagtitiwala sa lahat ng ahensya ng gobyerno dahil naniniwala tayo kung talagang tututukan ito ay magkakaroon ito ng mas maliwanag na resolusyon,” pahayag pa ni Mabasa.
Matatandaang pauwi na si Lapid at nasa labas na ng BF Resort Village sakay ng kanyangkotse nang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo nitong Oktubre 3 ng gabi.