Finlex ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pink service car na kanilang idinonate sa Women and Children Protection Center (WCPC) ng Philippine National Police (PNP) sa lungsod.

Ayon kay Biazon, ito raw ang kauna-unahang pink mobile ng WCPC sa buong Metro Manila.

"Isa itong dedicated vehicle para sa WCPC natin sa Muntinlupa, at magagamit para sa mas mabilis na pagresponde at pagsuporta sa mga bata at kababaihang nakakaranas ng pang-aabuso," aniya.

Ipinaliwanag naman ng alkalde kung bakit ito kulay pink.

Metro

400 cancer at dialysis patients, natulungan sa People's day sa Maynila

"Pink dahil child-friendly at matagal nang ginagamit ng women and child protection unit ang kulay na ito."

"Initiative ng Muntinlupa Gender and Development Office ang Pink Mobile noong pinamumunuan pa ang tanggapan ng aking maybahay na si Trina. Tumulong din ang GAD para makumpleto ang gamit ng WCPC, kasama ang provision of computers," dagdag pa niya.

Sinabi rin ng alkalde na isang dedicated vehicle ang pink mobile para sa WCPC sa Muntinlupa. Magagamit din daw ito para mas mabilis na pagresponde at pagsuporta sa mga bata at kababaihang nakararanas ng pang-aabuso.

Bukod sa pink mobile, itinurn-over din ng pamahalaang lungsod ang walong mobile vehicles, 21 motorcycle units at apat pang sasakyan ang ibinigay sa Public Order and Safety Office (POSO).