BANGKOK, Thailand -- Humigit-kumulang 30 katao ang napatay, kabilang ang 23 bata, sa naganap na mass shooting sa isang day care center sa Thailand nitong Huwebes, Oktubre 6.

This handout from the Facebook page of Thailand’s Central Investigation Bureau shows a picture of former policeman Panya Khamrab, who is believed to have killed at least 30 people in a nursery in the northern Thai province of Nong Bua Lam Phu. – At least 30 people are dead including 23 children after a man armed with a gun and knife stormed a nursery in northeast Thailand on October 6, 2022, police said. (Photo by Handout / THAILAND’S CENTRAL INVESTIGATION BUREAU / AFP) /

Armado umano shotgun, pistol, at kutsilyo ang isang suspek nang sumalakay ito sa isang day care center sa Nong Bua Lam Phu province sa Thailand.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

"The death toll from the shooting incident... is at least 30 people," ayon kay Anucha Burapachaisri, spokesman mula sa opisina ng prime minister sa Thailand.

Kinilala ni Police colonel Jakkapat Vijitraithaya, ang gunman na si Panya Khamrab na dating isang police lieutenant colonel na na-dismiss noong nakaraang taon dahil sa paggamit umano ng iligal na droga.

Ayon kay Jakkapat, 23 ang napatay na bata na may edad dalawa hanggang tatlong taong gulang. Nabanggit din niya na matapos ang pamamaril, umuwi ang gunman sa kanilang bahay at pinatay nito ang asawa at anak bago patayin ang sarili.

Agence-France-Presse