BANGKOK, Thailand -- Humigit-kumulang 30 katao ang napatay, kabilang ang 23 bata, sa naganap na mass shooting sa isang day care center sa Thailand nitong Huwebes, Oktubre 6.
Armado umano shotgun, pistol, at kutsilyo ang isang suspek nang sumalakay ito sa isang day care center sa Nong Bua Lam Phu province sa Thailand.
"The death toll from the shooting incident... is at least 30 people," ayon kay Anucha Burapachaisri, spokesman mula sa opisina ng prime minister sa Thailand.
Kinilala ni Police colonel Jakkapat Vijitraithaya, ang gunman na si Panya Khamrab na dating isang police lieutenant colonel na na-dismiss noong nakaraang taon dahil sa paggamit umano ng iligal na droga.Ayon kay Jakkapat, 23 ang napatay na bata na may edad dalawa hanggang tatlong taong gulang. Nabanggit din niya na matapos ang pamamaril, umuwi ang gunman sa kanilang bahay at pinatay nito ang asawa at anak bago patayin ang sarili.
Agence-France-Presse