Trending sa Twitter si "King of Talk" Boy Abunda ngayong Huwebes, Oktubre 6, dahil sa pagiging guest judge ng patok na "Drag Race Philippines".

Inulan ng reaksiyon mula sa mga netizen ang umano'y paggamit ng "deep English words" ni Abunda sa pagbibigay ng mga komento sa finalists, subalit wala naman daw "sustansya" o hindi relevant sa show.

Narito ang ilan sa mga sey ng netizens:

"There's Boy Abunda using every word he can find in the thesaurus only to make absolutely no sense ❤️ #DragRacePH."

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

https://twitter.com/joshcoloreeed/status/1577658573378625537

"Is this #DragRacePH or Tonight with Boy Abunda?."

"The Background music, The lighting during the MV, and Boy Abunda trying to outshine each other during this episode #DragRacePH."

"Boy Abunda using highfalutin words and lofty language to compensate (for) his inability to get straight to the point LOL sounding smart is not synonymous to being correct. It only makes you look like you just discovered thesaurus minutes ago so you depend your life on it #DragRacePH."

"Juicecolored andaming kuda ni Tito Boy. Xilhouete has met her match lol. Can someone tell Boy Abunda to stop acting like he's the savior of the PH LGBTQIA community? #DragRacePH #DragRacePhilippines."

Ang Drag queens na sina Eva Le Queen, Marina Summers, Precious Paula Nicole, at Xilhouete ang maglalaban-laban sa finale ng Season 1, na eere sa Oktubre 12, 2022.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Tito Boy kaugnay nito. Matatandaang nakaranas din ng bashing ang guest judge nitong si world-renowned fashion designer na si Rajo Laurel. Kabaligtaran naman, puring-puri at hinihiling ng mga manonood na isama sa mga permanenteng hurado si Jon Santos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/22/rajo-laurel-binakbakan-ng-netizens-dahil-sa-kritisismo-kay-eva-la-queen-ng-drag-race-ph/">https://balita.net.ph/2022/09/22/rajo-laurel-binakbakan-ng-netizens-dahil-sa-kritisismo-kay-eva-la-queen-ng-drag-race-ph/

Ang permanenteng hurado ng season 1 ay sina Jiggly Caliente at Jervi Li o mas kilala bilang "KaladKaren Davila". Si Dabarkads Paolo Ballesteros naman ang host nito.