Personal na bumisita kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas para sa isang courtesy call si Mary Egida Rivera, ang gumanap bilang lola ni Jacob Batalon o Ned Leeds sa highest grossing film ng 2021 na SpiderMan: No Way Home.

Sa Facebook post ni Treñas, sinabi nitong lubos nilang ikinagagalak ang pagbisita ni Lola Mary sa kanyang opisina lalo na talaga namang ikinatuwa ng fans at viewers ang eksena nito sa nasabing pelikula.

"DID YOU KNOW NED'S LOLA IN SPIDERMAN? SHE'S IN ILOILO CITY! Certified Ilongga and a representation of every Filipino Lola in a movie, Mary Rivera, visited my office. We are very glad to have an Ilongga adored by Filipino viewers and loved by foreigners. We hope she enjoys her stay in the City of Love," anang alkalde.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Matatandaan na ginulat ni Lola Mary ang Filipino viewers nang lumitaw siya sa pelikula bilang lola ni Ned, matalik na kaibigan ni Peter Parker, na siya namang ginampanan ng aktor na si Tom Holland.

Higit pang nakakagulat ang Tagalog lines ni Lola Mary sa pelikula tulad ng "Sabihin mo sa mamang 'yan, alisin ang agiw sa sulok!"

"Ikaw ha, nagkalat ka na naman. Linisin mo lahat ng mga basura mo dito."

"At ikaw naman, alam mo naman na gusto ko na itong bahay natin maayos pero tignan mo, dumi dito, dumi doon," linya ni Lola Mary sa pelikula.

Ang SpiderMan: No Way Home ay ang pelikulang may pinakamataas na kita sa taong 2021 – ito all-time top grosser para sa mga pelikula ng Sony, at ika-anim na pinakamataas na kita all-time sa 1.878 bilyong dolyar.