Wala sa bokabolaryo ng netizen na si "Kenneth Duclusa Reconalla" ang salitang "tapon" at "pagsasayang" dahil muli niyang pinakinabangan ang mga bakanteng basyo o lalagyanan ng skin care products at muling ginamit---bilang lunch box o lalagyanan ng baong pagkain!

"Unang kagat, clearskin agad," caption ni Kenneth sa kaniyang Facebook post, kalakip ang mga litrato ng kaniyang "improvised lunch box".

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Tatlong basyo ng skin care products na soothing gel na ang flavor ay papaya, aloe vera, at ice jeju aloe vera ang pinaglagyan ni Kenneth ng kaniyang mga ulam. Tiniyak naman niyang malinis at hinugasan niya ang mga ito bago paglagyan ng mga baon. Ang naturang netizen ay nag-aaral umano sa Davao del Norte State College.

"Hindi n'yo kinaya," sey pa ni Kenneth.

Why not, 'di ba?