Pagkatapos ibahagi ng celebrities-content creators na sina Ivana Alawi at Zeinab Harake na bigla na lamang naglahong parang bula ang kani-kanilang verified Facebook pages, ganito rin daw ang naranasan ni "Toni Fowler".

Ayon kay Toni, basta na lamang daw nawala ang kaniyang Facebook pages na may milyong followers. Wala man lamang daw notification na ipinadala sa kaniya ang Facebook tungkol dito.

"Kaya ako wala nakong Facebook page eh. Pang apat kong facebook page ganyan din nangyari. Ilang taon mo paghihirapan tapos walang notif ng kahit na anong report tapos biglang BOOM wala na," ani Toni.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

https://twitter.com/tonifowlerpo/status/1576976778387918848

Dalawang beses na umanong nangyari ito sa kaniya

Sa kabilang banda, patuloy pa ring namamayagpag si Toni bilang isang content creator sa kaniyang YouTube channel at TikTok.

Samantala, naghimutok naman si Ivana sa biglaang pagkawala ng kaniyang FB page na umabot na sa 19M ang followers.

Ayon pa sa aktres, hindi rin daw alam ng taga-Facebook kung bakit nawawala ang mga page.

"I’m currently talking to someone from the Meta/Facebook team and they don’t know what happened or why pages have been disappearing… There must be something deeper to this, why are big pages being targeted? Is Facebook even safe for creators and influencers?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/05/verified-facebook-page-ni-ivana-alawi-naglaho-aktres-naghimutok/">https://balita.net.ph/2022/10/05/verified-facebook-page-ni-ivana-alawi-naglaho-aktres-naghimutok/

Take note na maging sa kaibigang si Zeinab Harake, ganito rin ang nangyari sa verified FB page.