Pumalo sa 6.9 porsyento ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Setyembre, mas mataas kumpara nitong Agosto ng taon, ayon na rin sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules.

Pagdidiin ni PSA-National Statistician, Civil Registrar General, Undersecretary Dennis Mapa, bahagyang tumaas ang inflation nitong nakalipas na buwang kumpara nitong Agosto na nasa 6.3 porsyento lamang.

Ang 6.9 porsyentong inflation ay kapareho ng naitala noo-ng Oktubre 2018. 

Huling naitala ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin noong Pebrero 2009 matapos pumalo sa 7.2 porsyento.

Idinahilan sa pagtaas ng inflation ang mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic drink.

Ginamit ding rason sa paggalaw ng inflation ang pagtaas ng presyo ng mga gulay, nilulutong saging at iba pa na sinundan din ng housing, water, electricity at maging ang presyo ng gas at iba pang fuel products.