Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paglulunsad ng pamahalaang lungsod ng programang magpapaunlad sa ‘reading comprehension’ ng mga kabataan.

Kaugnay nito, hinikayat rin ni Lacuna nitong Miyerkules, Oktubre 5, ang mga opisyal ng barangay na makiisa para sa ikatatagumpay ng naturang programa.

Ayon kay Lacuna, ang office of the Division of City Schools, sa pamumuno ni Superintendent Magdalena Lim at ang Manila City Library (MCL), ang siyang mangunguna sa nasabing programa.

Sa ilalim aniya nito, dadalhin ang library services sa mga residente sa mga barangay, sa pamamagitan ng mobile libraries.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Anang alkalde, layunin ng programa na hikayatin ang mga paslit na magbasa ng magbasa, lalo na't iniulat ni Senator Ralph Recto na ang Pilipinas ay pang-79 na puwesto lamang sasa buong daigdig pagdating sa reading comprehension.

Inatasan din ng lady mayor ang MCL na bumisita sa ibang lungsod upang tingnan, pag-aralan at gayahin ang ginagawa ng mga ito upang mapaunlad pa ang umiiral at nag-o-operate na 11 libraries sa lungsod.

“'Di naman masama manggaya lalo na kung maganda. Gayundin sa lungsod, lahat ng maganda ating ginagaya para maibigay ang tamang serbisyo sa mga batang Maynila. Gayundin naman ang ibang lungsod,napunta rin sila sa atin for benchmarking,” ayon pa kay Lacuna.

Dagdag pa niya, ang mababang ranggo sa reading comprehension ng bansa ay isang malaking hamon sa mga paaralan at silid aklatansa lungsod.

Binigyang-diin niya na kailangan talagang lumikha ng programa na siyang magpapaunlad ng reading comprehension ng mga kabataan, maging ng kakayahan sa pagsulat ng mga ito.

Naniniwala si Lacuna na bumaba ang ranggo sa reading comprehension ng bansa dahil sapandemya.

Dahil dito, umaapela siya sa mga otoridad sa barangay na tumulong at suportahan ang lungsod sa paglulunsad ng programang tutugon sa suliranin.