Sa layuning maibsan ang hirap sa pila ng mga kukuha ng taripa para sa panibagong dagdag na pasahe sa mga public utility vehicle (PUV), binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang online application nito kamakailan.
Sa abiso ng LTFRB, kailangan lamang magpunta ng driver o operator sa website nila at i-upload ang kaukulang dokumento tulad ng OR (official receipt) at CR (certificate of registration) ngunit, at certificate of public convenience o prangkisa.
Isasagawa na rin ang pagbabayad sa taripa sa online at sa halip na dry seal, QR code ang ilalagay sa fare matrix.
Nitong Martes, Oktubre 4 ay umabot na sa 200 ang nag-apply ng taripa, gamit ang online facility ng LTFRB-National Capital Region.
Matatandaang maliit lamang na porsyento ng mga pampublikong sasakyan ang naningil ng dagdag-pasahe sa pagsisimula fare adjustment nitong Oktubre 3 dahil sa kawalan nila ng fare matrix.