Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Miyerkules na naitala sa 19% ang 7-day positivity rate ngCovid-19sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang naturang 19% na positivity rate ay naitala hanggang noong Oktubre 3.

Ayon kay David, ito ay mas mataas kumpara sa 18.7% lamang na naitala sa rehiyon noong Setyembre 26.

Gayunman, mas mababa aniya ito sa 19.1% lamang na naitala noong Oktubre 2.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kaugnay nito, umaasa naman si David na magpapatuloy na ang pagbaba ng positivity rate sa NCR sa mga susunod na araw.

“NCR 7-day Positivity Rate was 19% as of October 3, 2022. This is higher than the positivity rate of 18.7% on Sept 26, but lower than 19.1% on October 2. Hopefully the positivity rate trends downward,” ayon pa kay David.