Nakarating sa isang South Korean news portal ang insidente ng umano’y pagtaboy kay Megastar Sharon Cuneta sa isang Hermés store sa Shinesagae, Myeongdong sa kabisera ng Seoul.

Landing si Mega sa Korean website na “Insight” kung saan iniulat ang insidente ng umano’y diskriminasyon sa kilalang aktres sa South Korea.

Isinalaysay dito ang ikatlong serye ng YouTube vlog ng aktres sa nakaraang Seoul trip ng kaniyang pamilya noong Agosto.

Kagaya ng mga naging ulat sa Pilipinas, inilarawan sa ulat ng South Korean website ang umano’y pagtaboy sa aktres sa nasabing luxury brand.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ilang agad na reaksyon ng netizens ang mababasa rin sa ulat kagaya ang umano’y pang-uuri ng nasabing tindahan at ang posible namang “reservation system” sa mga luxury store sa nasabing bansa.

Samantala, nasa mahigit 450,000 ang followers ng Insight dahilan para mapag-usapan din ito sa ilang social networking website at umani ng sari-saring reaksyon mula mismo sa ilang South Korean netizens.

Sa isang Facebook post ni Lester Javier, isang Pinoy vlogger na naka-base sa South Korea, ang istorya ni Megastar ay nakarating na umano sa Korean Forum, isang Korean social network.

Ilang larawan ang mababasa sa kaniyang post kung saan makikita ang matinding pang-ookray ng Korean netizens (K-netz) sa kuwento ng aktres.

Dito, sari-saring pangalan pa ang itinawag sa Megastar kabilang ang “stupid monkey head,” “pig,” bukod sa iba pa.

Larawan ni Lester Javier/Facebook

Larawan ni Lester Javier/Facebook

Basahin: Sharon Cuneta, winasak ang katahimikan tungkol sa di pagpapapasok sa kaniya sa Hermès store – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang binasag ni Shawie ang kaniyang katahimikan ukol sa isyu.

“Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time – sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang.

“Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!” ani Mega.

Sa imbestigasyon din ng Pinoy vlogger sa isang ">YouTube content noong Linggo, Oktubre 2, nakumpirma sa ilang pakikipag-usap sa mismong tauhan ng Hermes Myeongdong ang mahigpit na pagpapatupad ng online appointment sa mga luxury stores kagaya ng Chanel, Dior, Louis Vuitton at Hermes sa kilalang shopping center sa Seoul.

Wala pang reaksyon si Megastar sa nasabing ulat sa Hallyu capital.