Umarangkada na ang Miss Grand International (MGI) 2022 sa Bali, Indonesia.

Mula nitong Lunes, Oktubre 3, kaniya-kaniyang lipad na sa Indonesia ang ilang kandidat para sa Thailand-based international pageant.

Maging ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong ay namataan na rin sa ilang pre-pageant activites nitong Miyerkules, Oktubre 5.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kaniyang Instagram stories, nalaman na ng Pinoy pageant fans na si Miss Grand Thailand Engfa Warahaang kaniyang roommates sa halos tatlong linggong pageant activities sa Indonesia.

Naging usap-usapan naman kaagad sa social media ang pasya ng MGI nag awing roommates sina Miss Grand Ukraine Olga Vasyliv at Miss Grand Russia Ekaterina Astashenkova.

Matatandaang nasa gitna ng politikal na alitan ang dalawang bansa na nauwi pa sa nagpapatuloy na bakbakan.

Kilala ang MGI bilang pageant brand na nagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa international level.

Agad namang nag-react ang ilang Pinoy fans sa pasya na ito ng pageant organization.

“There's going to be a lot of interesting conversations going on there,” komento ng isang fan sa isang pageant page.

“Sinadya o inadya?”

“The citizens of Russia don't have any ill feelings against Ukrainian it's just Putin who wants to rule the world and his reign of terror is going to end soon!!!”

“Ang government lang nman nila ang umeepal sa isat-isa pero Ang mga tao ‘di naman. KAaya okay lang para makapagkwentuhan nila ang situation ng ansa nila sa isat-isa. Who knows ka ang dalawang ito ang makapag-ayos sa kani-kanilang bansa?”

Hindi rin nakaligtas ang fans sa kontrobersyal na si Nawat Itsaragrisil, Pangulo ng Miss Grand International (MGI).

“Not coincidence but more of planned or scripted. Even ph and Thailand. So much drama.”

“More empty publicity.”

“My GHAD GRAND INTERNATIONAL TALAGA START THE WAR!”

“Naku baka magbardagulan yan!”

“Heto na ba ‘yun stop the war?”

“Talaga namang namumulitika ang baklang nawat. Gusto pang gamitin sa publicity ang on going war ng Ukraine at Russia.”

“Laroshiieee si Tandang Nawatskie😂👏

Sa darating na Oktubre 25 gaganapin ang finale ng kompetisyon.